SUMANDAL ang Arellano U sa matikas na opensa ni Regine Arocha sa krusyal na sandali para maitakas ang 19-25, 25-23, 19-25, 25-13, 15-9 panalo kontra St. Benilde para maisaayos ang championship clash kontra San Sebastian sa women’s class ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center in San Juan City.

Naitala ni Arocha, nasa ikalawang season ang career, ang krusyal na mga puntos sa huling set para sandigan ang Lady Chiefs at makamit ang karapatan na harapin sa Finals ang Lady Stags na pinangungunahan ni MVP Grethcel Soltones.

“It was a team effort but she (Arocha) made big plays in the fifth set,” sambit ni Arellano U coach Obet Javier.

Hindi sinasadya, makakaharap ng Arellano U sa finals ang koponan na nakaharap nila at ginapi noong 2015 championship.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“San Sebastian is a harder team to beat this year but we’ll prepare well against them and do our best to beat them,” pahayag ni Javier.

Nakatakda ang Game One ng championship series sa Martes.