DAVAO CITY – Pinarangalan ng Davao del Norte Police Provincial Office (DNPPO) ang sampung pulis at iba pang ginawaran ng pagkilala sa seremonya sa Davao City kamakailan.

Binigyang-pagkilala ng DNPPO ang natatanging husay sa serbisyo nina Senior Insp. Dexter Cuevas, Chief Insp. Ruth Dizon, Senior Insp. Rowena Jacosalem, Senior Insp. Lurobe Rojo, Jr., SPO1 Mary Joy Hapitan, SPO4 Joseph Estrada, SPO1 Savarte Biating, SPO2 Roldan Rubion, PO3 Reynante Balacuit at PO2 Paciano Ramirez, Jr.

Iginawad naman kay PO1 Jade Cuamag ang Rookie of the Year award, habang ang Kapalong Municipal Police ang kinilalang Best Police Station sa lalawigan.

“It is as important as that we give due recognition to our personnel who are performing well,” sabi ni Police Regional Office (PRO)-11 Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naglaan ang pamahalaang panglalawigan ng P250,000 para sa seremonya, nagkaloob ng P20,000 sa bawat isa sa mga binigyang-parangaln, at P30,000 sa pinakamahusay na himpilan ng pulisya. (Yas D. Ocampo)