Hinikayat ng Malacañang ang publiko na sumali sa mga debate at diskusyon sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maaaring lumiham ang mamamayan sa kanilang mga senador at congressmen upang ipahayag ang kanilang mga pananaw sa death penalty bill bilang bahagi ng democratic process.

“The government urges everyone to participate in this debate in a public consultation manner. For those who support death penalty, madali lang namang ho, you just write your congressman, sulatan ninyo iyong mga senador ninyo o sumali kayo sa diskurso,” sabi ni Andanar sa isang panayam sa radyo.

Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Dutetre ang pagpasa sa panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa bilang bahagi ng kampanya kontra droga at kriminalidad. Gayunman, mahigpit itong tinututulan ng Simbahang Katoliko, ilang mambabatas at iba pang pro-life advocate.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Andanar na iginagalang nila ang sentimiyento ng mga mambatas at iba pang grupo na tutol sa capital punishment bilang bahagi ng masiglang demokrasya sa bansa. Ngunit iginiit ng Palasyo na makatutulong ang panukalang batas sa pagsugpo sa mga krimen sa bansa.

“We are a free society. We have a market of ideas at alam naman natin as a Catholic nation ay talagang merong opposition talaga,” dagdag niya. (AGENALYN D. KABILING)