Matapos ipagpaliban nang dalawang beses, itutuloy na rin sa wakas ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng National Career Assessment Examination (NCAE) para sa school year (SY) 2016-2017 sa susunod na buwan.
Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones, sa DepEd memorandum na may petsang Pebrero 2, na ang NCAE para ngayong school year ay gaganapin sa Marso 1 at 2 (Miyerkules at Huwebes).
Kukuha ng NCAE ang lahat ng estudyante sa Grade 9 kapwa sa publiko at pribadong secondary school. Ang pagsusulit ay “assessment of students’ aptitudes and skills and estimates what field or discipline the student can excel in,” ayon sa DepEd.
Ipinaalala ng DepEd na ang resulta ng NCAE ay hindi “mandatory but recommendatory.” (Merlina Hernando-Malipot)