Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, nitong Huwebes ng hapon.

Dead on the spot si John Yves Garcia, 27, merchandiser, ng No. 34 Kabulusan Street 2, Barangay 20 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at kanang balikat.

Sa report ni PO3 Noel Bollosa, bandang 4:40 ng hapon, may kausap sa cell phone ang biktima habang nasa labas ng kanyang bakuran.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang armadong lalaki at pinagbabaril si Garcia hanggang sa duguang humandusay sa semento.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)