TANAUAN CITY, Batangas - Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin habang nasa labas ng kanyang bahay sa Tanauan City, Batangas.

Dead on arrival sa CP Reyes Medical Center si Roman Carandang, 48, kagawad ng Barangay Boot sa Tanauan City.

Ayon sa report ni PO2 Reagan Umali, dakong 8:30 ng umaga nitong Huwebes at nakaupo si Carandang sa labas ng kanyang bahay nang pagbabarilin siya ng mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?