Iris copy

INIHAYAG ng bagong Miss Universe na si Iris Mittenaere ng France na mananatili sa kanyang puso ang Pilipinas nang umalis siya sa bansa nitong Huwebes ng hapon patungong New York, USA, para simulan ang kanyang reign.

Bago siya umalis, nag-upload ng larawan ang French beauty queen na kuha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nilagyan niya ng caption na: “Last hour in my second home... Philippines forever in my heart. Mahal ko kayo.”

Sa airport, walang sawang kumaway si Mittenaere sa kanyang Filipino fans at nakipag-selfie kasama siya gamit ang kani-kanilang cellphone.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Bye! Thank you for everything. I love you. I’m gonna miss you all!” saad ng beauty queen sa report ng Bandila ng ABS-CBN.

Sa New York City ang headquarters ng Miss Universe Organization, makakasama ni Mittenaere doon ang kasalukuyang Miss USA na si Deshauna Barber at ang Miss Teen USA.

Kabilang sa prize package ng Miss Universe ang isang taong suweldo bilang Miss Universe; mamahaling accommodation sa New York City apartment sa kabuuan ng kanyang reign, kabilang ang living expenses; isang taong supply ng hair care products at tools mula sa Farouk Systems, ang gumawa ng CHI Haircare; shoe wardrobe mula sa Chinese Laundry Shoes & Accessories; personalized face chart at products mula sa MAC Cosmetics;

Personal services, kabilang ang membership sa Gravity Fitness @ Le Parker Meridien Hotel at hair services mula John Barrett Salon; modeling portfolio kuha ng mga kilalang fashion photographer; dermatology at skincare services; professional health ar nutrition consultation; dental services; Professional representation ng The Miss Universe Organization; extensive travel na kinatawan ng mga sponsor at charitable partner; access sa iba’t ibang event kabilang ang casting opportunities, movie premiers, screenings, Broadway shows at launch parties; at personal appearance wardrobe at styling ng official Miss Universe Organization fashion stylist.

IN A RELATIONSHIP

Nalaman sa pamamagitan ng Daily Entertainment News, isang entertainment website, na may boyfriend si Mittenaere, ang hunky doctor na si Matthieu Declercq.

“I have someone in my life who supported me,” ani Mittenaere nang koronohan siya bilang Miss France noong Disyembre 2015.

Pero hindi naging bukas sa publiko ang relasyon ng magkasintahan dahil nakasaad sa patakaran ng Miss France committee na hindi maaaring lumabas ang beauty queen kasama ang kanyang boyfriend sa publiko.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Declerq sa isang panayam na hindi siya natatakot kung hindi man niya madalas na nakikita ang kanyang kasintahan. Idinagdag din niya na proud siya kay Iris.

Ayon pa sa nasabing ulat, supportive si Declercq sa kanyang girlfriend at nanood pa siya ng Miss Universe 2016 pageant sa Manila.

$15 M INVESTMENT

Inilahad ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson na nag-invest ang kanyang grupo ng umaabot sa US$15 million (P675 million) sa pagdaraos ng ikatlong Miss Universe sa bansa.

“Kaya natin basta tutulong ang gobyerno. Medyo hirap kami dahil first time na walang tulong ang gobyerno,” ani Singson, head ng LCS Group of Companies, na nagdala ng pageant sa Manila.

“Ang gastos namin mga $15 million pero sulit na sulit ‘yun dahil I consider it as an investment,” aniya. “Lugi lang tayo kung walang turista, pero I’m sure, pinag-uusapan na tayo sa buong mundo.”

Sinabi rin ni Singson na may nagpaiwan pang 10 Miss Universe candidates na nag-eenjoy sa kanilang bakasyon sa Pilipinas. (ROBERT R. REQUINTINA)