RIA VICE ARJO AT SYLVIA

RIA VICE ARJO AT SYLVIA copy

MAPAPANOOD ang mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde sa Gandang Gabi Vice ngayong Linggo.

Aliw na aliw si Vice Ganda sa pambubuking ng mga anak ni Ibyang na kapag nagti-text ay kinokorek siya at ipinakita pa sa GGV ang palitan nila ng mensahe.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Naloka si Ibyang dahil hindi niya expected na ilalabas iyon, bigla tuloy siyang nahiya. Pero ipinaliwanag naman niya na talagang nagpapaturo siya kay Ria pagdating sa English kasi nga hindi naman ito ang pang-araw-araw niyang lengguwahe.

“Mahilig talaga akong i-bully ng mga anak ko, pero kapag nagalit na ako, tahimik na sila,” say ni Ibyang.

Malalaman ng publiko kung anong klase ang samahan ng mag-iina kapag wala sa harap ng kamera at kung paano rin magalit ang bida ng The Greatest Love sa mga anak kapag hindi siya pinapansin.

Proud na proud ang magkapatid na Arjo at Ria sa nanay nila at sa pagiging mahusay nitong artista na aminado silang minana nila at ito ang idol nila.

Pero hindi lang sa pag-arte mahusay ang mag-iina, maging sa pagsayaw ay nagpakita sila ng sampol sa GGV.

(Reggee Bonoan)