MAGTATANGHAL si Beyonce sa 59th Annual Grammy Awards.

Maraming sources ang nagsabi sa ET na ang Formation singer, na nakatanggap ng siyam na nominasyon sa Grammy para sa kanyang album na Lemonade ay magtatanghal sa entablado kapag nag-live ang awards night sa Pebrero 12 sa CBS.

Namataan ang 35-anyos na singer nitong Huwebes habang nag-eensayo sa sekretong lugar sa Los Angeles, California, kasama ang glam squad, camera crew, at ang grupo ng kanyang dancers.

Nakikipag-ugnayan na ang ET sa Grammys at sa kinatawan ni Beyonce tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Lumabas ang balita isang araw matapos ihayag ni Queen Bey na kambal ang kanyang ipinagbubuntis na anak nila ng kanyang asawang si Jay Z.

“We would like to share our love and happiness. We have been blessed two times over,” ani Beyoncé sa Instagram. “We are incredibly grateful that our family will be growing by two, and we thank you for your well wishes. - The Carters.” 

Ito ang magiging unang pagtatanghal ni Beyonce simula nang isapubliko niya ang kanyang pagdadalantao. Kabilang sa iba pang mga artista na magtatanghal sa Grammy sina The Weeknd na makakasama si Daft Punk at sina Alicia Keys at Maren Morris na magdu-duet din.

Magtatanghal din ang legendary hip-hop group na A Tribe Called Quest kasama ang 15-time Grammy winner na si Dave Grohl at si Anderson Paak, na nominado para sa dalawang Grammy, kabilang ang Best New Artist.

Kakanta rin sa Grammys na iho-host ni James Corden sina Adele, John Legend, Bruno Mars, Metallica, Carrie Underwood, at Keith Urban. (ET Online)