Simpleng buhay ang kinamulatan ng bagong assistant press secretary ng Amerika na si Ninio Fetalvo, 23, na ang mga magulang ay mula sa Camarines Sur.

Ayon kay Marylyn Fetalvo Balares, 52, dean ng College of Criminology ng Naga Foundation College at kapatid ng ama ni Ninio na si Nelson, nagtapos ng Bachelor of Science in Industrial Technology si Nelson, 54, sa Bicol College of Arts and Trade.

“Ninio’s mother Minerva Hilario is a nurse from Calabanga town, about 19 kilometers from this city,” ani Balares.

Sinabi ni Balares na ang kanilang ina, 82, at kanilang ama na sumakabilang-buhay na, ay mayroong karinderya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Aniya, binibisita sila ng pamilya Ninio sa Bicol noong siya’y 16 anyos pa lamang, pitong taon na ang nakalilipas, at noong mga panahong iyon ay wala pa siyang ideya sa magiging kinabukasan ng kanyang pamangkin.

Inilarawan ni Balares si Ninio na “shy guy but smart” at malapit sa kanyang anak na si Herlynn, 26, isa na ngayong abogado sa Public Attorney’s Office.

Naiyak umano sa saya ang kanyang kapatid nang sorpresahin ni Ninio ang kanilang pamilya noong Enero 9 sa pagsasabing siya ang itinalagang bagong assistant press secretary ni US President Donald Trump.

“Being an aunt to Ninio, I am of course very proud of his achievement and the honor he has brought to our family name,” aniya.

Hindi umano sila makapaniwala na naabot ng kanyang pamangkin ang ganito kalaking oportunidad.

“He is so young and he will go a long way,” kuwento ni Balares.

Sinabi ni Balares na inamin din ni Nelson na bago ang US presidential elections, na naging bahagi si Ninio ng Republican campaign machinery, kinakabahan ang pamilya Fetalvo kung ano ang magiging kinabukasan ni Ninio kapag natalo si Donald Trump.

Isa umanong biyaya sa kanilang pamilya ang pagkapanalo ni Trump.

Ayon pa kay Balares, nagtatrabaho sa Florida ang kanyang hipag bilang nurse bago pa ma

n niya pakasalan ang kapatid nito. Nag-migrate si Nelson sa US noong 1992 at ipinanganak si Ninio nang sumunod na taon.

Sinabi niya na bibisita sana ang pamilya Fetalvo sa Naga City sa Abril upang dumalo sa kasal ng nakatatanda nilang kapatid ngunit hindi na siya sigurado ngayon kung makakasama si Ninio dahil parte na ito ng official family ni Trump.

(PNA)