BALER, Aurora – Natagpuan na noong Martes ang bangkay ng isang lokal na turista na nalunod habang naliligo sa dagat sa Baler, Aurora nitong Linggo.

Kinilala ni Chief Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMC) Head Gabriel Llave ang biktimang si Alvin Fernandez, 26, ng Barangay San Joaquin, Pasig City.

Nakuhanan pa ng video nang sawayin ng isang local surfer si Fernandez at tatlong kasama nito, hanggang sa tuluyang maglaho sa karagatan ang biktima sa bahagi ng Bgy. Sabang sa Baler. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!