[caption id="attachment_222756" align="aligncenter" width="400"]Dayanara Torres during the Miss Universe red carpet event at the SMX Convention Center in Pasay City on Sunday night. (Jay Ganzon)

BUMILANG ng halos dalawampung taon bago nagbalik sa Pilipinas si 1993 Miss Universe Dayanara Torres. Kaya excited at masaya ang model- actress na isa siya sa mga inimbitahan ng Miss Universe Organization para maging isa sa panel of judges ng Miss Universe pageant.

Sumikat sa ating bansa si Dayanara pagkatapos niyang koronahan ang nanalong Miss U na si 1994 Miss Universe Sushmita Sen noong 1994 at nagkaroon ng maraming offers/projects. Nakagawa siya ng mga pelikula, kasama si Gary Valenciano (Hataw Na) at nag-click din ang tambalan nila ni Aga Muhlach (na naging boyfriend niya, Basta’t Kasama Kita).

Damang-dama pa rin ng beauty queen ang mainit na pagsalubong at hindi nagbabagong suporta sa kanya ng mga Pinoy na hindi nakakalimot sa kanya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Super mas masaya ako to be back here in the Philippines,” aniya sa isang panayam. “It’s my second home. I’m able to enjoy this country that I love so much. Thank you for embracing me again as your own like you’ve always done.”

Masayang ibinalita ni Dayanara na may guest appearance siya ngayong Linggo sa anniversary special edition ng ASAP.

Naging host siya ng ASAP noon, hanggang sa naisipang umuwi sa kanyang bansa at napangasawa ng sikat na Latin singer na si Mark Anthony. Nagkaroon sila ng mga anak at naghiwalay, nagkabalikan at naghiwalay uli.

“Meeting so many people that I haven’t seen in so many years, it’s incredible. Don’t forget to watch ASAP this Sunday. A lot of things are happening and surprises too,” sey ni Dayanara

Pero tila hindi lang sa ASAP muling mapapasabak si Yari dahil sunud-sunod ang offers sa kanya ng Kapamilya Network.

Bukod sa posibleng paggawa ng pelikula, balitang naghihintay din ang It’s Showtime para makasama siya nina Vice Ganda,Vhong Navarro, Billy Crawford at iba pa.

Hindi kaya mapatagal ulit ang stay niya sa Pilipinas?

“I would love to. Like I said, my kids are now older so I can travel a little more,” aniya.

Sa posibilidad ng muling paggawa ng pelikula...

“Absolutely, I would love to, I’ve been talking to a lot of people. They are giving me a few ideas and stuff but as of now, no one in particular. We’ll decide later,” pagtatapos ni Dayanara. (ADOR SALUTA)