ANG ganda ng grand presscon ng My Ex and Whys at nag-enjoy ang entertainment press dahil walang pakiyemeng sinagot nina Enrique Gil at Liza Soberano ang lahat ng mga katanungan sa status ng relasyon nila.
Nagkuwento kasi si Direk Cathy Garcia na sobrang pakialamero si Enrique kay Liza kapag may mahihirap na eksena, kaya binibigyan ng tips ang huli na naririnig niya dahil nakasuot pa ang lapel ng aktor.
“Cat and dog sila sa set, hindi sila nag-aaway,” pambubuking ni Direk Cathy. “Like for example, may tinatanong ka (Enrique), ‘tapos may dumaldal sa kabila, si Liza ‘yun, mamaya sila na nag-aaway. O kaya may sasabihin si Liza, si Enrique naman ‘yung (nakikialam).
“Sa sobrang close po nila, napapakialaman nila ang isa’t isa hanggang sa maliliit na bagay. Minsan po talagang nagalit ako dito (kay Enrique), napagalitan ko si Liza sa isang acting-acting, ‘Ang pangit! sabi ko!’ Sabi ba naman niya (Enrique), may lapel, ha? ‘It was good, it was good, ‘sabi ba naman niya. Sabi ko tuloy, ‘Direktor ka ba?’
“Sa kagustuhan niyang huwag masaktan si Liza, ginaganu’n niya, eh, naka-lapel, naririnig ko. Eh, pinagagalitan ko si Liza para galingan niya, may kumokontra sa gilid.
“Dito ginawa na naman niya ‘yan, may sinabi ako kay Liza na ganito, ‘tapos iba. Sabi sa akin (ni Liza), ‘Sabi po kasi ni Quen’. Kaya sabi ko, ‘Direktor ka.’ Ganu’n po sila kahit sa pagkain, ‘tapos nag-aayusan din sila ng buhok, eh, cute sila in that way,” tumatawang kuwento ng lady director.
So, ano ba talaga ang real score ng LizQuen?
“In denial!” tumatawang sabad ni Enrique. “Masaya po kami. Secret lovers, joke lang, joke lang.”
Hmmm, half-meant ang biro, di ba, Bossing DMB? Kaya naniniwala kaming ‘sila na.’
“Para sa akin walang label for that,” dagdag pa ni Enrique. “Kung hindi pa ready for that, eh, di irespeto. It does not matter, the label, it’s how you treat each other.”
Kaya balik-tanong kay Liza, hindi pa nga ba siya ready?
“Hindi po, si Quen pa ang hindi ready, joke lang po. Hindi ko idini-deny si Quen, ha? It’s complicated.”
So, sino si Enrique sa buhay niya?
“Quen is my special someone, he’s very special to me!” pag-amin ng dalaga.
At tawagan ang pala ng dalawa dalawang ito ay “my other half”.
“Kasi po we complete each other,” paliwanag ni Liza. “Kasi po napag-aralan po namin before na we saw this article say na ‘yung heart, kasi, di ba, ang shape of our heart is hindi siya ganyan (muwestrang hati ang puso), pero ‘pag two hearts idinikit mo, ganu’n po ang shape (muwestrang buong puso), and apparently God made it that way to find your other half. Kaya naniniwala po kami.”
Sa totoo lang, hindi na kailangang umamin ng LizQuen ng, “oo kami na!” dahil batay na rin sa salaysay ng dalaga, kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Samantala, ang nag-viral na linya ni Liza sa trailer ng My Ex and Whys na ‘Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?’ ay linya palang madalas ni Direk Cathy sa totoong buhay.
Ipinahiram niya ang linyang ito kay Liza na sumakto sa kuwento ng pelikula niya at agad naging viral.
“Sinadya po namin talaga iyon at sinadyang ilagay ng creative team na ilagay sa trailer,” tumatawang kuwento ni Direk Cathy. “Linya ko kasi lagi iyon sa sarili ko, ‘pag niloloko ako, at lahat sila sagot nila ‘oo’ pero nu’ng si Liza na ang nagtanong, wala nang makasagot.”
Wala naman talagang makakasagot kung pangit si Liza dahil hindi naman totoo.
“I was surprised po,” komento naman ng dalaga, “hindi ko naisip na magiging viral na line ‘yun actually, pero nakakatuwa kasi when people watch that scene, I’m sure lahat sila makaka-relate because if you’re gonna get hurt in that certain way, mapapatanong ka talaga, eh, bakit pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?”
“Do’n na kasi lumalabas ang insecurities ng tao kapag pinagpapalit sa iba,” sabi naman ni Enrique. “Ang mga Pinoy mahilig pa naman sa hugot lines, kaya siguro naging viral ‘yun.”
“But to be honest,” hirit uli ni Liza, “when a girl gets hurt that bad, that’s how they feel, di ba, Direk? Maybe Direk feel that way, ha-ha-ha.”
Nabanggit din ni Direk Cathy na ang My Ex and Whys ay alay niya sa ex-boyfriends niya. Hmm,, nakarami ka na pala, Direk?
Samantala, inamin Liza na pressured siya nang ialok ang pelikulang ito kahit kumita naman ang mga naunang LizQuen movie (Everyday I Love You, October 2015 at Just The Way You Are, June 2015).
“To be honest, hindi ko alam but until now, I still feel pressured when they (Star Cinema) gave the movie to us,” sabi ng dalaga. “I was really pressured especially knowing it would be with Direk Cathy, ‘coz everybody knows that if it’s a Direk Cathy Garcia film, blockbuster hit agad, sobrang nakakakilig and I don’t know if I would be able to deliver what they expect. But all I can say is I hope that they will enjoy the movie and that they can feel the realness of everything and see the effort that we put into creating the film.”
Sa Pebrero 15 ang playdate ng My Ex and Whys. (REGGEE BONOAN)