Hindi nawawala ang tiwala ng South Korea sa mga Pilipino sa kabila ng kontrobersiyal na pagdukot at papatay ng ilang pulis sa isang mamamayan nito.

Ayon kay Lee Yongsang, second secretary at consul ng South Korea sa Cebu, naiintindihan nilang hindi talaga maiiwasan na may mangyaring krimen sa mga South Korean habang nasa Pilipinas sila.

Sa panayam ng media kay Yongsang habang ito ay nasa Boracay, sinabi niya na naniniwala pa rin ang mga Korean sa hospitality ng mga Pilipino at sa kakayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang lider ng bansa.

Hiniling niya mga Pinoy na tumulong sa pangangalaga sa mga Korean dahil malaking tulong sila sa negosyo at turismo ng bansa. (Jun N. Aguirre)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'