SIMULA Enero 26 hanggang Pebrero 12 ay itatanghal ang dulang Buwan at Baril sa EB Major sa Yuchengco Auditorium, Bantayog ng mga Bayani. Tinatalakay nito ang iba’t ibang karanasan ng pang-aapi noong panahon ng martial law. Mayroon ding diskurso tungkol sa human rights.
Layunin ng bagong tatag na Sugid Productions na magkatanghal ng mga makabuluhang palabas na kinakailangan ng lipunang Pilipino na taglay pa rin ang entertainment value na malaking sangkap ng produksiyon.
Kabilang sa cast si Cherie Pie Picache na ang asawa ay pinaslang ng isang rebelde, si Jackielou Blanco bilang socialite na umanib sa rally, at si JC Santos bilang pari.
Sa direksiyon ni Andoy Ranay, a theater artist himself at direktor ng teleseryeng Till I Met You, ito ay mula sa panulat ni Chris Millado at orihinal na itinanghal sa PETA noong l986. (Remy Umerez)