ADDIS ABABA, Ethiopia (PNA) – Nagpahayag si UN Secretary-General Antonio Guterres noong Miyerkules ng pagkabahala sa negatibong epekto ng bagong polisiya ng United States, na humaharang sa pagpasok ng mga Muslim refugee sa Amerika.

Nasa Ethiopia para sa summit ng African Union, tinanong si Guterres ng mga mamamahayag tungkol sa Executive Order US President Donald Trump.

“In my opinion, this is not the way to best protect the U.S. or any other country in relation to the serious concerns that existed about the possibility of terrorist infiltration…What was lacking was a capacity to have a comprehensive approach to the problem,” aniya.

“And I think this measure should be removed sooner, rather than later,” diin ng UN chief.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina