Inihayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DoLE) na nagsasagawa na ito ng sariling imbestigasyon sa pagkakatupok ng pabrika ng House Technology Industries (HTI) sa Cavite Export Processing Zone sa General Trias, Cavite, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na nagpadala na siya ng grupo na tutukoy kung nagkaroon ng paglabag ang HTI sa occupational safety and health (OSH) makaraang mahirapan ang ilan sa mga manggagawa sa pabrika na makalabas sa nasusunog na gusali.

Nasa 104 na manggagawa ang nasugatan sa sunog.

“I have directed an immediate determination of whether or not HTI has complied with basic employment standards to assess the extent of assistance we can provide,” ani Bello. (Samuel P. Medenilla)

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara