Kanya-kanyang hakot ng gamit ang mga residente sa isang barangay sa Malabon City nang masunog ang isang spare parts warehouse sa lungsod na ito, Miyerkules ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Malabon Fire Station, bandang 10:30 ng gabi nang masunog ang Yi Xing Trading sa Araneta Village, Barangay Potrero, Malabon City.

Nagising ang mga residente ng Gladiola at Rosal Street dahil sa kapal ng usok na nagmula sa nasunog na bodega at dali-daling nagligpit ng gamit.

Base sa imbestigasyon, walang tao sa bodega, pag-aari ng isang Allan Su at inuupahan naman ng isang Samuel Sy, habang ito’y unti-unting nilalamon ng apoy.

Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

Bandang 2:00 ng madaling araw tuluyang naapula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma at inaalam na ang sanhi ng sunog pati ang halaga ng ari-ariang natupok. (Orly L. Barcala)