Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao na posibleng maging bagyo sa pagpasok nito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ang nasabing sama ng panahon ay nasa silangang bahagi ng Mindanao at mag-iipon pa ng lakas sa susunod na mga araw.

Kaugnay nito, makararanas ng pag-ulan sa Northern Luzon at maaapektuhan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon bunsod na rin ng Amihan (northeast monsoon).

Kapag tuluyang pumasok sa bansa, tatawagin itong bagyong ‘Bising’, ang ikalawang bagyo ngayong taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang Enero nang pumasok sa bansa ang unang bagyo, na tinawag na ‘Auring’. (Rommel Tabbad)