Inoobserbahan sa ospital ang isang 10-buwang sanggol na tinamaan ng ligaw na bala habang karga ng isa sa kanyang mga magulang sa Palimbang, Sultan Kudarat kahapon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay sumasailalim ang babaeng sanggol, taga-Barangay Domolol, Palimbang, sa operasyon sa Dr. Jorge Royeca Hospital at kritikal ang lagay dahil sa ulo ng sanggol bumaon ang bala mula sa hindi pa tukoy na baril.

Batay sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, karga ang sanggol ng ina habang nagbibiyahe ang kanilang mag-anak sakay sa motorsiklo nang bigla silang makarinig ng putok ng baril, hanggang mapansin na lang na duguan ang bata. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar