Isinailalim ng Office of the Ombudsman sa 90-day suspension ang dating officer-in-charge ng Provincial Assessor’s Office ng Zambales na si Roberto Corpus dahil sa kinasasangkutang graft noong 2007.
Iniutos din ng anti-graft court na ihinto na ni Corpus—kasalukuyang administrative officer—ang pagganap sa kanyang tungkulin hanggang hindi pa nalilitis ang kaso.
Ayon sa Ombudsman, nakapagpalabas si Corpus ng tax declaration para sa isang Victor Balicas, Sr. kahit pa lumabas na notice na ang nasabing lupain ay saklaw ng isa pang tax declaration at certificate of title sa pangalan ng isang Rolando Young.
Inilahad ng Ombudsman na “lumikha lamang si Corpus ng conflicting legal interest sa naturang lupain.”
(Rommel P. Tabbad)