Naghain si Senator Grace Poe ng Resolution No. 280 na naglalayong dagdagan ang pension ng mga nakakatanda alinsunod sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Idiniin ni kay Poe na 2010 pa naipasa ang pension ng mga senior citizens at kung susumahin iba na ang halaga ng pera ngayon.
“Sa tumataas na presyo ng mga pangangailangan ng ating senior citizens, nananawagan tayo ng umento sa kanilang social pension buwan-buwan dahil hindi na sapat ang P500 na kanilang natatanggap,” ani Poe. (Leonel M. Abasola)