Umaray ang mga consumer, partikular ang mga may-ari ng karinderya, sa panibagong taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron, kahapon.

Base sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw kahapon, Pebrero 1, ay nagtaas ito ng P5.30 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, na may katumbas na P58.30 sa bawat 11-kilogram na tangke.

Bukod dito, tumaas din ng P3.00 ang kada litro ng Xtend Auto-LPG na ginagamit sa taxi.

Ito ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan kasabay ng taglamig. (Bella Gamotea)

Probinsya

Sanggol, ika-21 biktima sa gumuhong estruktura sa Pampanga!