290117_Red Carpet Gloria Diaz Margarita Moran_02_Ganzon copy copy

NAUUNAWAAN na siguro ngayon ng haters o bashers ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang kanyang pahayag tungkol sa ating Miss Universe bet na si Maxine Medina na ikinagalit nila bago ginanap ang Miss U pageant.

At least, sa 86 candidates, napasama si Maxine sa Top 6 na pinuri naman ni Gloria at muntik-muntikan ding makasali sa Top 3, isang hakbang na lang sa inaasam-asam na back-to-back win ng Pilipinas sa Miss U.

Chill lang si Gloria sa panayam ni Jessica Soho ng GMA-7 News.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

“ I think she did perfect! Ang galing-galing niya. Actually, while I was watching, ako ang ninenerbiyos. Ang lamig-lamig ng kamay ko.

“But, you know, this is our country. You have to just wish that everybody was happy. Everybody was safe. ‘Yun ang pinakaimportante,” sey ng ating former Miss U.

Ang kanyang mensahe sa mga bashers, “O, di ba, tama ako?” na ang ibig sabihin ay hindi siya nagkamali sa kanyang expectations kay Maxine.

Para naman kay Miss Universe 1973 Margie Moran, mas maganda sana kung sa Tagalog inihayag ni Maxine ang kanyang kasagutan sa question-and-answer portion. Si Maxine ang first ever Pinay candidate na nag-request ng interpreter pero sa halip na Tagalog ang sagot, sa English pa rin siya tumugon.

“She did the best she could,” ani Margie. “To me, sana nag-answer na lang siya sa Tagalog. I think she would’ve been more comfortable because ‘di siya nag-interpreter.”

Samantala, hindi inihayag ang Miss Congeniality at Miss Photogenic sa 65th Miss Universe pageant. Ayon kay Miss Universe Organization President Paula Shugart, in-announce din naman ito pagkatapos ng programa. Ipaliwanag din niya kung bakit hindi na nila naigawad ang awards sa stage.

“Honestly, we didn’t have time... There was so much that we wanted to fit into the show,” aniya.

Pinili ng fellow candidates si Miss Korea Jenny Kim as Miss Congeniality at si Miss Albania Lindita Idrizi naman ang Miss Photogenic. Tumanggap sila ng tig-US$1,000 cash gift.

Si Miss Myanmar Htet Htet Htun naman ang Best in National Costume. (ADOR SALUTA)