CAMILING, Tarlac – Isang lalaking lasing na umano’y nag-iingay sa likod ng kanyang bahay ang iniulat na kinuyog at pinagtulungang bugbugin hanggang sa mamatay sa Purok Zinnia, Barangay Bobon 2nd sa Camiling, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ni PO2 Maximiano Untalan, Jr., ang biktimang si Ricarte Martin, 55, na pinagtulungang gulpihin ng mga hindi nakilalang lalaki makaraang mag-ingay sa likod-bahay bandang 5:30 ng umaga. (Leandro Alborote)