Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang 63-anyos na lalaki matapos niyang pagbabarilin ang limang katao, na ikinamatay ng apat sa mga ito, habang nag-iinuman sa Ilocos Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Batay sa ulat ng Ilocos Sur Police Provincial Office(ISPPO), gamit ang carbine ay niratrat at napatay ni Antonio Espiritu, 63, ang nag-iinumang sina Reykhel Ballesca, 25; Fazel Custodia, 24; Gerardo Belen, 48, pawang taga-Barangay; at Romulo Bruzon, 21, ng Bgy. Quezon District sa bayan ng Santa.

Nakaligtas naman si Prince Marion Garcia, 26, ng BVgy. Magsaysay District, Santa.

Nabatid sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktima nitong Martes ng gabi sa bahay ni Isidro de Peralta, barangay kagawad, nang biglang dumating ang matanda at nirapido ang grupo.

Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato

Nasamsam ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang 21 basyo ng bala ng .30 caliber pistol, tatlong tatlong deformed fired bullets at dalawang metallic fragment.

Batay sa imbestigasyon, may kinalaman sa dating alitan at isyu sa pera ang pamamaril ni Espiritu sa mga biktima.

(Fer Taboy)