Pansamantalang mananatili sa kustodiya ng Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) si dating Police Senior Supt. Cesar Mancao, na akusado sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000, matapos sumuko kahapon.

Ayon kay CIDG-NCR chief Senior Supt. Belli Tamayo, mananatili sa kanyang tanggapan si Mancao habang hinihintay ang commitment order ng korte.

Aniya, kusang sumuko si Mancao sa kanyang tanggapan sa Camp Crame sa Quezon City.

“Mananatili muna sa kustodiya ng CIDG-NCR si Mancao habang hinihintay ang commitment order ng korte,” sambit ni Tamayo. (Fer Taboy)

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’