Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Manila Transit (MRT) Line 3 dahil sa panibagong aberya kahapon.

Dakong 5:04 ng madaling araw nang mapilitang bumaba ang mga pasahero ng isang tren sa southbound Santolan Annapolis station dahil sa problemang teknikal.

Tumanggap ang nagkaaberyang tren ng Category 3 status, na ang ibig sabhin ay umalis ito nang walang kapalit. Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasaherong naabala. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Manunulat kay Deanna Wong: 'Don’t act like you’re untouchable!'