Hindi na nasikatan ng araw ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga nang pagbabarilin at patayin ng mga hindi pa nakikilalang armado sa loob mismo ng kanyang bahay sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Edicer Sorima y Madrigal, 35, ng Block 7, Lot 10, Masikap Community Complex, Bgy. Sta. Ana ng nasabing munisipalidad, sanhi ng mga tama ng bala sa leeg at dibdib.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., dakong 4:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril.

Natutulog si Sorima nang pilit pasukin ng mga suspek at pinagtulungan siyang barilin.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. (Bella Gamotea)