CAST NG 'HOME SWEETIE HOME' copy

DIRETSONG tinanong si John Lloyd Cruz sa third anniversary presscon ng Home Sweetie Home kung kailan niya planong mag-asawa o magkaroon ng anak, since ang karakter niya sa sitcom nila ni Toni Gonzaga bilang Romeo at Julie ay may anak na.

Bukod dito, may anak na rin sa tunay na buhay si Toni sa asawang si Direk Paul Soriano.

Inamin ng premyadong aktor na matagal na rin niyang planong magkapamilya, ang kaso ay wala naman siyang karelasyon ngayon at sa tingin niya ay hindi pa niya natatagpuan ang babaeng makakasama niya habang buhay.

“Payo nga sa akin, huwag ko raw isipin ‘yun, kung darating ay darating daw,” kaswal na sabi ng binata. “Medyo may kaunting pressure, especially kung ‘yong nanay mo nagpaparinig na sa ‘yo. Siyempre medyo tumatanda na rin ‘yong nanay ko, and sigurado ako gusto niyang magkaroon ng apo galing sa akin.

Lifehacks

Ilang tips para pokus ulit sa trabaho o pag-aaral matapos ang Holy Week break

“Umabot na rin sa punto na sinabihan na niya ako na... kahit gaano kasagrado Katoliko nanay ko, sinabi na rin niya na ’kahit huwag ka nang mag-asawa kung ayaw mo, kahit mag-anak ka na lang muna’.

“Occasional na nampe-pressure. Kahit ganito ako, medyo may pagka-ideal pa rin ako. Sana magkaroon ng partner, maging asawa, at magkaroon ng pamilya.”

Tinanong din si John Lloyd kung nagkakailangan pa ba sa silang dalawa ni Toni kapag umaakting bilang mag-asawa lalo na kapag nagyayakapan, magkatabi sa kama, at may kiss din kung minsan lalo na noong nagsisimula pa lang ang programa.

“Hindi naman ako naiilang, wala naman, ibang-iba na. Siyempre, hindi lang naman ‘yung content ang nag-i-evolve sa amin, pati mga artista, mga gumaganap ay nag-i-evolve rin. So it’s for the better or sa reason na makakatulong.

Mapapansin n’yo naman iyon kung nag-improve ba o mas naging natural ba,” sagot ng aktor.

Samantala, pinagdudahan na nagkabalikan na sina Lloydie at ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban nang makita silang lumabas minsan.

“Wala po kaming relasyon. But we are very good friends,” maagap na sagot ng binata.

Kinulit pa rin ang aktor, baka raw ayaw lang niyang aminin.

“Sige po, i-push pa natin ‘yan. Wala nga po talaga,” sabi ulit ni JLC.

Napakaganda ng samahan ng buong cast ng Home Sweetie Home sa pangunguna nina Toni at Lloydie kasama sina Sandy Andolong, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Ogie Diaz, Ellen Adarna, Bearwin Meily, Paul Sy, Jobert Austria, Mitoy Yonting, Nonong Ballinan, at Magda Alovera. Parang tunay na silang isang pamilya habang pinagmamasdan namin sa presscon.

In-announce ng executive producer ng show na si Ms. Marvi Gelito na magkakaroon sila ng out of the country tapings, tulad nu’ng nakaraang taon na pumunta ang Home Sweetie Home sa Japan.

Si Edgar “Bobot” Mortiz ang direktor nila, mula naman sa unit ni Raymund Dizon at napapanood sila tuwing Sabado, 6:30 PM. (REGGEE BONOAN)