Ms. Bulgaria at Issay copy

HINDI man naiuwi ang korona ng Miss Universe, marami naman ang pinahanga ni Ms. Bulgaria 2016 Violina Ancheva sa kanyang kabutihang loob.

Nag-post si Ancheva sa Facebook ng larawan suot ang inirampang evening gown sa 65th Miss Universe 2016 beauty pageant at nanawagan na nais niya itong ibigay sa sinumang nais itong isuot sa prom.

Ang masuwerteng nakakuha ng gown ay si Zhyra Cifra, 15-anyos, na tamang-tama para sa kanyang prom sa susunod na buwan.

Sa panayam ng Balita sa ina ni Zhyra na si Issay Gallano, isang single mother, ibinahagi niya kung paano napili ni Ancheva ang kanyang anak:

Human-Interest

'Name withheld no more!' Top 1 ng March 2026 Physician Licensure Exam, tinukoy na

“Nalaman ko lang from my officemate yesterday na nag-post nga si Ms Violina Ancheva na ibibigay niya ‘yung gown. Sabi ko in my head lang, hala, sana sa anak ko na lang. Nag-message ako sa kanya. One minute lang nag-reply agad siya sa chat ko.

Nagkita sina Violina at Issay sa Conrad Manila upang personal na maibigay ng una ang gown.

“Masaya siya na ako ‘yung napili niya at mapapasaya niya ‘yung daughter ko. Sobrang saya niya din nang sinend ko sa kanya ‘yung video ng daughter ko nu’ng unang nakita ‘yung gown.

“Sobrang thankful ako at sobrang suwerte kasi napili niya ‘ko,” dagdag ni Issay.

Ibinahagi rin ni Issay na tamang-tama ang pagkakatanggap nila sa gown para sa kanyang anak.

“Actually ang plano talaga namin sa Divisoria na lang kami maghahanap pero kasi wala pang sahod.”

(AIRAMAE A. GUERRERO)