HINDI maiwasang tanungin si Ellen Adarna tungkol sa kanyang love life kahit wala itong kinalamaman sa pelikula niyang Moonlight Over Baler, nang humarap siya sa presscon para sa said movie. Patuloy siyang matatanong tungkol dito lalo’t inamin niyang break na sila ng presidential son na si Baste Duterte.
Nabanggit ni Ellen na nag-break sila ni Baste bago sumapit ang Pasko after eight months of being together. Gaya sa ibang couples na nag-break, sa text tinapos ni Baste ang kanilang relasyon.
“It was a very weird breakup. It’s funny. Instead of texting a girlfriend na ‘Good Morning,’ ang text niya, ‘ano na lang kaya kung maghiwalay tayo?’ Sabi ko, okay.
“And then, hindi na kami. Actually hindi na ako na-shock,” kuwento ni Ellen sa mga reporter.
Ang maganda, mabilis naka-move on si Ellen, three days lang daw niyang iniyakan si Baste at okay na siya. Hindi rin nawala ang friendship nila kahit break na sila. Nag-uusap pa rin sila lalo’t maraming gamit sa bahay niya ang ex. Ang ibig sabihin sa binanggit ni Ellen, nag-live in sila ni Baste.
Hindi dinelete ni Ellen ang photos ni Baste sa Instagram account niya at sa video nilang dalawa, nag-comment ito ng “#exGoals dapat ganyan walang bitter. Move on ng masaya. Di na uso ang relationship goals! #exGoals na.”
Anyway, showing sa February 8, ang Moonlight Over Baler sa direction ni Gil Portes. Ginagampanan ni Ellen ang role ni Aurora, isa sa leading lady ni Vin Abrenica, matapang na nurse at pumilit kay Kenjie (Vin) na matuto ng Tagalog.
(Nitz Miralles)