Desidido ang gobyerno na isulong ang usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista at ituloy ang ceasefire sa kabila ng desisyon ng grupo na tuldukan ang unilateral truce.
“The President will continue to exercise strong political will to move forward with the peace talks with the CPP-NPA-NDF, despite the revocation of the unilateral ceasefire by the NPA,” ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella.
“Furthermore, the Department of National Defense (DND) will continue to observe the government’s unilateral ceasefire, at the same time enforce the campaign to protect civilians from harm and terrorism,” dagdag niya.
Inihayag kahapon ng CPP na tatapusin na nito ang limang buwan nang ipinaiiral na unilateral ceasefire sa Pebrero 10.
Gayunman, sinabi ng mga rebelde na susuportahan nila ang usaping pangkapayapaan ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang pagbisita sa Maguindanao nitong Biyernes, sinabi ng Pangulo na ibinigay na niya ang “so much” para sa peace process ngunit hindi niya nagustuhan ang mga hinihiling ng mga rebelde.
Sinabi ni Duterte na nais ng mga rebelde na palayain ang 400 bilanggo ngunit hindi pinakinggan ang kanyang panawagan para isang ceasefire agreement.
“Ayaw ninyong ibigay, eh ‘di ayaw ko rin. ‘Pag sabihin n’yong uwi kayo, magtabla, eh ‘di tabla,” aniya.
(Genalyn D. Kabiling)