KALIBO, Aklan - Opisyal nang ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang umano’y ilegal na operasyon ng dredging ng isang Chinese Vessel sa Kalibo, Aklan.
Sa Facebook post, sinabi ni DENR Secretary Gina Lopez na ipinag-utos niya ang pagsisilbi ng cease and desist order sa M/V Zhong Hai, na nasa baybayin ng Barangay Bakhaw Norte, Kalibo noon pang Nobyembre 2016.
Ayon kay Lopez, sa tulong ng National Bureau of Investigation, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard, isinilbi ang order matapos na makatanggap ng reklamo ang kalihim tungkol sa umano’y ilegal na operasyon ng barko. (Jun N. Aguirre)