LONDON (AFP) – Inaprubahan ng British MP noong Miyerkules ang first stage ng bill na nagbibigay ng kapangyarihan kay Prime Minister Theresa May na simulan ang pag-alis ng Britain sa European Union.

Inaprubahan ng mga miyembro ng lower House of Commons ang bill, na magpapahintulot sa gobyerno na ikasa ang Article 50 ng Lisbon Treaty ng EU at pormal na simulan ang dalawang taong exit negotiations, sa botong 498 kontra 114.

Iaakyat ang bill sa House of Lords para pagdebatehan sa Pebrero 20, at umaasa ang gobyerno na maaprubahan ang batas sa Marso.

Internasyonal

'We're paying trillions of dollars!' Trump, dismayado sa 'di pagtulong ng NATO