Ilulunsad nina Pangulong Rodrigo R. Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa Abril 28, ang ASEAN Roll on/Roll off (Ro-Ro) Project, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Natatanaw ang mga bagong oportunidad sa ekonomiya at kalakalan sa pagbubukas ng Davao-General Santos-Bitung (D-G-B) Shipping Service na isa mga target ng Pilipinas sa chairmanship nito ng Association of Southeast Asian Nations ngayong taon.

Inaasahang palalakasin ng Ro-Ro project hindi lamang ang ekonomiya ng Mindanao at itataas ang kita ng coastal communities sa Pilipinas kundi ang outlying islands kabilang na ang Sulawesi Island, partikular ang North Sulawesi.

Nagtipon kamakailan ang delegasyon ng Pilipinas sa inter-agency Task Force for the Operationalization of the ASEAN Ro-Ro at kanilang mga Indonesian counterpart sa Manado, Indonesia para talakayin ang proyekto. (PNA)

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!