ISULAN, Sultan Kudarat – Sugatan ang dalawang katao matapos silang tambangan sa bahagi ng Daang SK Pendatun sa Barangay Poblasyon, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Martes ng hapon.

Nabaril sa leeg si Akmad Usman Datukaka, 38, may asawa, driver ng “payong-payong” at taga-Daang Salamat, habang sa balakang naman ang tama ng pasahero niyang si Monissa Mama Tucao, 60, magsasaka, ng Datu Paglas, Maguindanao.

Ayon sa report, dakong 5:40 ng hapon nang mangyari ang pag-ambush sa mga biktima ng tatlong armadong lalaki na sakay sa isang pulang pick-up truck na walang plaka. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!