STO. TOMAS, Batangas – Labing-apat na pasahero at dalawang driver ang nasaktan sa aksidenteng banggaan ng isang pampasaherong jeepney at isang van sa Maharlika Highway sa Barangay Santiago, Sto. Tomas, Batangas, nitong Martes ng gabi.

Labindalawa sa mga biktima ay pasahero ng jeep na minamaneho ni Roland P. Suarez, 33, taga-Mataas ng Kahoy, habang ang dalawa ay lulan sa Toyota Hi-Ace commuter van na minamaneho ni Rommel O. Cutaran, 44, ng Tanauan City.

Kapwa nasugatan sina Suarez at Cutaran. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol