Dalawang buwan nang nawawala ang isang 26-anyos na lalaki, nag-aapply na seaman, at ito’y pinangangambahan na nabiktima ng Oplan Tokhang sa Maynila.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang pagkawala ni Marco Zeus G. Saquibal, tubong San Jose, Antique, at huling tumira sa isang boarding house sa 4850 V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Marissa, ina ng biktima, huling nakita ang biktima noong gabi ng Nobyembre 20, 2016.

Kuwento umano ng landlord kay Marissa, “May pumunta raw na dalawang lalaki at isang babae sa kanyang boarding house, tapos unang umalis ‘yung dalawang lalaki, sumunod iyong babae tapos iyong anak ko, hindi na siya nakabalik, tapos nakita na sira yung pintuan ng kuwarto niya tapos magulo ang kanyang mga gamit wala namang nawawala sa kanyang damit pati ‘yung kanyang mga dokumento sa pagka-seaman andun pa rin.”

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nabatid na bago nawala ang anak ay tumawag pa ito sa kanya at humingi ng pera dahil kailangan daw umano nitong bumili ng uniporme na kanyang gagamitin sa on-the-job training (OJT).

“Mabait naman ang batang iyong at walalang kibo lagi, hindi na rin siya nagbubukas ng kanyang Facebook at hindi na rin tumatawag sa kanyang girlfriend,” ayon kay Marissa.

Umapela rin ang ina ng biktima sa mga taong posibleng nakakaalam sa kinaroroonan ng kanyang anak na tumawag sa: 0906-4702021; 0926-4014358; 0935-1366023; o kaya sa 0936-0318564. (Mary Ann Santiago)