PORMAL nang umusad ang defending men's champion University of Perpetual Help sa finals matapos makalusot sa matinding hamon ng San Beda College kahapon sa Final Four ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala si Rey Taneo Jr. ng 29 puntos upang pamunuan ang Altas sa come-from-behind win, 18-25, 18-25, 25-20, 25-17, 15-11.

Tila nahaharap na mapasabak ang Altas sa isang do- or- die game kontra Red Lions matapos nilang maiwan sa unang dalawang sets. Ngunit, sumugal si Perpetual Help head coach Sammy Acaylar at pinagpalit sina opposite spiker Taneo Jr. at open spiker Esmail Kasim ng posisyon.

“Noong third set nagpalit ako ng position. Yung opposite ko na si Taneo ginawa kon siyang outside tapos si Kasim sa outside ginawa ko siyang opposite kasi hindi gumagana si Kasim kaya pinalitan ko,” pahayag ni Acaylar.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakasagupa ng Altas ang magwawagi sa laban ng St.Benilde at Arellano University sa finals.

Sa juniors division, umusad ang defending champion Perpetual Help sa ikalawang stepladder match matapos pasukuin ang Emilio Aguinaldo College, 23-25, 25-19, 25-23, 25-19, sa unang stepladder game. (Marivic Awitan)