Patay ang isang bata habang dalawa ang grabeng sugatan matapos lamunin ng apoy ang 100 bahay sa Las Piñas City, nitong Lunes ng hapon.

Bangkay na nang matagpuan ang biktima, 1 taong gulang, na naiwan sa loob ng nasusunog nilang bahay.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Ronaldo Lamanilao, 50; at Alvin Castillo.

Sa ulat ni FO3 Joel Pascua, dakong 1:32 ng hapon nagsimulang sumiklab ang apoy sa inuupahang bahay ng isang Angelito Cuaderno sa Satima Compound, Fatima Village, Barangay Talon Dos ng nasabing lungsod.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Bandang 7:32 ng gabi nang maapula ang sunog na nakaapekto sa 300 pamilya at tinatayang aabot sa P1.8 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok. (Bella Gamotea)