Mayroon nang mamumuno sa bagong tatag na Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) na sisiguro na walang corrupt na mga pulis sa puwersa.

Si Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989, ang mamumuno sa PNP-CITF na magsasagawa ng cleansing para maiwaksi ang mga scalawag at tiwali sa 130,000 tauhan ng PNP.

Ang unang trabaho ng pinuno ng CITF ay tingnan o ipatawag ang mga pulis na nasangkot sa mga illegal na gawain pero nakabalik pa rin sa PNP.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na si Malayo ay dating city director ng Zamboanga City na binihag ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) nang salakayin ng mga ito ang ilang barangay doon noong Setyembre 2013.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We already chosen a person that will lead the CITF and he is Senior Supt. Chiquito Malayo. If you haven’t heard of him, he was the director of Zamboanga City who was taken by MNLF rebels. But instead of being held as hostage he was able to convince them to surrender bringing with them their firearms,” sabi ni Dela Rosa. “He is bald like me.”

Ayon kay Dela Rosa, nagsimula nang magtrabaho si Malayo sa dating headquarters ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa Camp Crame na opisina na ngayon ng CITF.

Sinabi rin ni Dela Rosa na inatasan si Malayo na tanging malilinis pulis lamang o wala pang masamang record sa serbisyo ang kuning tauhan.

“We will assign only the cleanest. What I told him is to start everything so that he can operate soon,” dagdag niya.

Hard working at snappy on the job ang paglalarawan kay Malayo ng kanyang mga kaklase sa PMA.

Samantala, tungkol naman kay Senior Supt. Albert Ignatius Ferro, ang dating pinuno ng binuwag na AIDG, sinabi ni Dela Rosa na hahanapan pa niya ito ng posisyon na nababagay dito.

Matatandaan na nilikha ang CITF kasunod ng pagbuwag sa AIDG dahil sa pagkakasangkot ng mga miyembro nito sa pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo. (Francis T. Wakefield)