Pinakilos ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang lahat ng labor attaché sa iba’t ibang bansa na magsagawa ng imbentaryo ng mga nakakulong na overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nahatulan ng bitay.

“Inatasan ko sila na magsagawa ng kumpletong imbentaryo ng mga nakakulong na OFW, lalo na iyong nahatulan ng kamatayan. Gusto kong malaman kung anong tulong ang maaari maibigay sa kanila,” pahayag ni Bello.

Iniutos din ng kalihim sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na tulungan ang mga nasabing OFW, dokumentado man o hindi.

Samantala, umasa si Bello na mapipigilan ang nakatakdang pagbitay kay Elpidio Lano sa Kuwait, na nahatulan sa pagpatay sa kapwa Pinoy na si Nilo Macaranas noong Hunyo 17, 2014. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

'If sayaw dahil fiesta, sayaw lang!' Boom Labrusca, tinira mga 'naghuhubad' sa pista