Nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nabiktima ng pangkaraniwang krimen, gaya ng pandurukot, panloloob at carnapping, sa pagtatapos ng taong 2016.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey, na kinapanayam ang 1,500 respondent noong Disyembre 3-6, aabot sa 4.5 porsiyento o katumbas ng 2.8 milyong pamilya ang nakaranas ng panghoholdap at panloloob o carnapping sa nakalipas na anim na buwan.

Ito ay mas mababa kumpara sa 6.4% o 4 milyong pamilya noong Setyembre 2016.

Kaugnay nito, bumaba rin ang naitalang krimen sa 5.5% kumpara sa 6.2% noong 2015.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Ang pamilyang nakaranas ng panghoholdap sa nakalipas na anim na buwan ay bumaba mula sa 4.6% (2.8 million household) noong Setyembre, at naging 3.4% (2.1 milyon) nitong Disyembre.

Pagdating naman sa panloloob, bumaba sa 1.8% (1.1 milyon) nitong Disyembre mula sa 2.2% (1.4 milyon) noong Setyembre.

Samantala, aabot naman sa 0.5% (115,000 household) ang nanakawan ng motorsiklo nitong Disyembre, mas mataas sa 0.2% o tinatayang nasa 57,000 nabiktima noong Setyembre. (Ellalyn De Vera-Ruiz)