Maine at Alden copy

MULING nakisaya ang GMA Network ngayong taon sa selebrasyon ng tatlo sa pinakamalalaking festivals sa bansa — ang Ati-Atihan, Sinulog, at Dinagyang Festivals.

 Sa month-long celebration ng pagbibigay-pugay kay Sto. Niño, back-to-back mall shows ang inihatid ng GMA para sa mga Kapusong Aklanon, Cebuano, at Ilonggo kasama ang cast ng Meant To Be, Ika-6 Na Utos, at Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Hindi napigilan ng Kapuso stars ang kasiyahan sa mainit na pagtanggap sa kanila ng kanilang mga tagahanga.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

 “Sobrang hindi namin inexpect ang warm welcome samin ng mga Kapusong Cebuano and Kapusong Ilonggo dahil every year naman, eh, maraming Kapuso artists ang pumupunta sa kanila para i-celebrate ang Sinulog at Dinagyang. Kaya nakaka-overwhelm and nakakataba ng puso na gano’n pa rin kainit ang pagtanggap sa amin,” pahayag ni Barbie Forteza. “Lahat kami galing taping, pero lahat ‘yun nakalimutan namin nu’ng nakita namin na nagsisigawan sila, lahat sila tuwang-tuwa na nandu’n kami.”

 Hindi rin inasahan ni Ken Chan, isa sa mga leading man ni Barbie sa Meant to Be, ang pagdagsa ng mga tao sa kanilang mall show sa Robinsons Place Iloilo na umabot ng 8,000 katao noong Enero 21. “Nagpapasalamat kami sa mainit na pagtanggap sa amin. Ang sarap mag-perform,” sabi ni Ken.

 Kasama nina Barbie at Ken ang iba pang stars ng Meant to Be na sina Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Mika dela Cruz sa back-to-back mall shows sa Gaisano Capital Island Mall Mactan at SM City Cebu, para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival noong 14 at 15.

 Nakibahagi rin ang Meant to Be cast sa Grand Sinulog Parade kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza na bida sa bagong inaabangang teleserye na Destined To Be Yours. Naroon din sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, na stars ng Pinoy remake ng hit koreanovela series na My Love From The Star. Mahigit 1.5 million katao ang dumalo sa nasabing parade at libu-libong fans naman ang nakisaya sa Kapuso mall shows.

 “Second time namin (sa Cebu) ‘yung pagpunta namin nu’ng Sinulog. At hindi kami magsasawa na mag-promote lagi du’n,” pag-amin ni Jak. Sa kanyang unang Dinagyang experience naman bilang aktor, hindi siya makapaniwala na napuno nila ang mall gaya ng nagagawa ng ibang malalaking artista.

 Masayang-masaya rin ang bagong Kapuso heartthrob na si Ivan dahil nakita niya ang kanilang fans in person. “Kasi dun lang namin nafi-feel mismo ‘yung response ng tao. Kasi syempre parati kaming nasa set, di ba? Iba na rin ‘yung sa tunay buhay,” aniya.

 Bagong karanasan naman para kay Addy ang Sinulog at Dinagyang Festival. “This was the first time that I did a festival in the Philippines. And to be honest, I’ve never seen so many people in one place, in my whole life. It was surely overwhelming.”

 Kasama rin ang cast ng Ika-6 Na Utos na sina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon sa mga naghatid-saya sa Cebu at Iloilo noong 14 at 22.

 “It was a very memorable experience,” pahayag ni Sunshine.

 Hindi rin pinalagpas ng cast ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang pagkakataong mapasaya ang kanilang fans. Katunayan naging bahagi ang mga bida ng show sa lahat ng festivals.

 Pinainit ni Julie Anne San Jose ang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival Kapuso Fiesta sa Pastrana Park, Aklan noong 10 kasama si Martin del Rosario. 

 Nakibahagi rin sa Ati-Atihan Festival ang Kapuso singer na si James Wright na dumalo sa Mutya It Kalibo Coronation Night noong 6.

 Samantala, full-force ang bida ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa kanilang Kapuso mall show noong 13. Nagpasaya sina Julie Anne, Benjamin Alves, LJ Reyes, at Martin sa mga Cebuano nagtungo sa The Terraces, Ayala Center sa Cebu bilang pagdiriwang ng Sinulog Festival.

Magkasama ring nagtanghal si Julie Anne at si Martin sa sa Robinsons Place Jaro sa Iloilo noong 20 para sa Dinagyang Festival.

Nagpapasalamat si Julie Anne sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Kapusong Aklanon, Cebuano, at Ilonggo.

“Sobrang pasasalamat po namin sa mainit na pagtanggap ng mga kapuso nating Cebuano at Ilonggo. Nakakataba po ng puso dahil patuloy ang pagtutok nila sa shows ng GMA. Sana ay suportahan din po nila ang bago naming teleserye,” sabi ni Julie Anne.