Makalipas ang mahigit isang buwan, nais ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na paimbestigahan sa Senate Electoral Tribunal (SET) ang kahina-hinalang pagguho ng kisame ng Smartmatic warehouse sa Sta. Rosa, Laguna nitong Disyembre 30, 2016.

Dahil sa nasabing pagguho, nasira ang Memory Configuration Room (MCR) ng Smartmatic at ng Commission on Elections (Comelec) na labis na nakaapekto sa mga server na ginamit noong May 9, 2016 election na mahalaga para sa election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo at ni Tolentino laban kay Senator Leila de Lima.

Sa kanyang mosyon sa SET, humingi rin ng tulong si Tolentino sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa masusing imbestigasyon sa sinasabing pinakakahina-hinalang insidente upang malaman ang katotohanan.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Tolentino sa Comelec dahil huli na, Enero 16, 2016, nang ipaalam nito ang insidente makaraang ipag-utos ng tribunal na “reboot, conduct diagnostics and shut down the servers” na sakop ng mga election protest upang malaman ang epekto sa mga datos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon