TALUGTOG, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang nalunod ang isang 17-anyos na babae na may epilepsy na natagpuang nakahandusay sa gitna ng bukid matapos maglunoy sa malalim na bahagi ng ilog sa Barangay Cabiangan sa Talugtog, Nueva Ecija, nitong Lunes.
Sa ulat ng Talugtog Police kay Nueva Ecija Police Provincial Director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Angelica Sigit Esteban, 17, ng Bgy. Sto. Domingo, Talugtog.
Naniniwala ang pamilya na may kinalaman sa dinaramdam na epilepsy ang pagkasawi ng dalagita. (Light A. Nolasco)