ELLEN AT VIN copy

EXPECTED nang unang itatanong kay Ellen Adarna sa pocket interview sa kanya for Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment Productions ang tungkol sa naging relasyon nila ni Baste Duterte, anak ni Pangulong Rody Duterte. 

Hindi nagpaliguy-ligoy sa pagsagot si Ellen, na umabot din ng eight months ang relasyon nila, pero nag-break na nga sila. 

Anong dahilan ng break-up?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Amin na lang ‘yon, but we’re friends, we’re better off as friends at lumalabas pa rin kami,” sagot ng dalaga.

Inamin din ni Ellen na 13 years old pa lamang siya nang unang magka-boyfriend. Nagkaroon na siya ng eight boyfriends at pangsiyam si Baste. Pero nagkaroon daw siya ng true love na tumagal ng five years na iniyakan niya nang mag-break sila. 

May bago na ba siyang boyfriend?

“Wala pa, one month pa lang naman kaming wala ni Baste,” natatawang sagot ni Ellen. “Wala akong naging boyfriend sa showbiz, pero meron akong crush, at gusto ko siyang makatrabaho someday.”

Tinukoy ni Ellen ang actor, pero nakiusap siyang huwag isulat dahil nahihiya siyang makarating sa kinauukulan ang paghanga niya.

Sa Moonlight Over Baler, gagampanan ni Ellen ang role ng babaeng na-meet ni Kenji (Vin Abrenica) sa Baler. Ito ay 40 years after World War II na ikinamatay naman ni Vin as Nestor sa giyera at naiwanan niya ang pakakasalan sanang si Fidela (Sophie Albert) na ginampanan na ni Elizabeth Oropesa. 

Kumusta namang katrabaho si Vin, may love scenes ba sila sa movie?

“First time kong nakatrabaho si Vin dito at hindi naman kami nagtagal ng shooting, one week lang yata. May kissing scenes lang kami pero walang love scene dahil may pagka-conservative pa noon ang mga tao.”

Kumusta naman si Direk Gil Portes?

“May talak pa rin pero hindi naman nagtatagal ang galit niya kapag mali ang ginawa ko. Hindi ito ang first time na nagkatrabaho kami at malaki ang utang na loob ko sa kanya. Una niya akong naidirek sa Bayang Magiliw na tungkol sa reproductive health, pero mas napansin ang acting ko nang gawin ko under him ang Tag-Araw ni Twinkle na ginampanan ko ang role ng isang drug addict rebel. Sabi ng mga critics noon, believable and daring daw ako sa role.”

Kaya nang ialok sa kanya ni Direk Gil ang Moonlight Over Baler, hindi siya tumanggi at ipinagpalit niya ito sa isang launching movie na in-offer sa kanya ng ibang production.

May premiere night ang Moonlight Over Baler sa Gateway Cinema 1 bukas (Thursday, February 2) at showing sila nationwide simula sa February 8.

May bagong offer si Direk Gil kay Ellen, ang remake ng Miss X na unang ginawa ni Cong. Vilma Santos-Recto at kung tatanggapin daw ito ni Ellen, kailangang magpaalam siya sa kanyang ABS-CBN management dahil magsu-shoot sila ng movie from one to two weeks in Amsterdam. (NORA CALDERON)