COCO1 copy copy

NATAWA na lang ang nakausap naming lady executive ng TAPE Inc. tungkol sa balita na may fans na nagsa-suggest na pagtambalan sina Coco Martin at Maine Mendoza sa isang proyekto.

Hawak naman daw kasi ng TAPE si Maine kaya may posibilidad na magkaroon ng katuparan ang request ng fans ni Maine.

Tuwang-tuwa raw kasi ang followers ni Maine nang i-like raw ni Coco ang picture ng dalaga sa Instagram. Kaya sa sobrang excitement, nakikiusap sila sa management ni Maine na pagsamahin sa pelikula ang Kapamilya actor at ang Kapuso star.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Aware ang kausap namin na may fans talaga na umaasang magkaroon ng pelikula sina Maine at Coco, pero mukhang malabo pa naman ito sa ngayon.

Kahit marami ang nagsasabing tiyak na magiging big hit ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa, may kalabuan talaga na magkaroon ito ng katuparan... sa ngayon.

Unang-una, parehong busy sa kani-kanilang ginagawang proyekto sina Coco at Maine lalung-lalo na ang una na naka-concentrate ngayon sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Pangalawa, may nakaplano nang gagawing pelikula si Coco this year na planong isali sa 2017 Metro Manila Film Festival. So, sa sitwasyong ito pa lang, may kalabuan ‘pa’ talaga. (JIMI ESCALA)