QUEBEC CITY/TORONTO (Reuters) – Isang French-Canadian university student ang solong suspek sa pamamaril sa mosque sa Quebec City at kinasuhan ng premeditated murder sa anim katao nitong Lunes. Tinawag ito ni Prime Minister Justin Trudeau na “terrorist attack.”

Kinilala ang suspek na sa pamamaril noong Linggo ng gabi na si Alexandre Bissonnette, 27, at kinasuhan ng six murder counts at five counts of attempted murder with a restricted weapon. Humarap sa korte si Bissonnette.

Ayon sa prosecutors, hindi pa handa ang mga ebidensiya laban sa estudyante ng Université Laval, at muli siyang ihaharap sa korte sa Pebrero 21.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina